Magkakaroon ng magkakaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Oktubre 20, matapos mag-anunsyo ang Shell Pilipinas ng bawas-presyo sa gasolina at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng diesel.

Batay sa anunsyo ng kompanya, P4.30 kada litro ang ibabawas sa gasolina, P1.00 sa kerosene, habang P2.60 kada litro naman ang itataas sa diesel.

Epektibo ang mga pagbabago simula alas-6 ng umaga bukas, Oktubre 20.

Inaasahang susunod pang maglalabas ng kaukulang anunsyo ang iba pang kompanya ng langis hinggil sa kanilang presyo.

Iniuugnay ang mga pagbabago sa inaasahang galaw ng suplay sa pandaigdigang merkado, kabilang ang mababang imbentaryo ng diesel at pagbuti ng suplay ng gasolina.

-- ADVERTISEMENT --