Magpapatupad ng suspension ng Permit to carry firearms outside residence o PTCFOR ang Philippine National Police sa Iloilo City kaugnay sa gaganaping 49th Meeting of the High-Level Task Force on ASEAN Economic Integration sa bansa.

Ayon sa PNP, epektibo ang gun ban mula Pebrero 20 hanggang Marso 1, 2026.

Sa ilalim ng suspensyon, tanging mga miyembro ng PNP, AFP, at iba pang law enforcement agencies (LEAs) lamang na naka-duty ang awtorisadong magdala ng armas.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaayusan at masiguro ang kaligtasan ng mga turista at residente habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng ASEAN meetings.