Patay ang isang guro matapos barilin ng dalawang katao na sakay ng motorsiklo sa Barangay San Juan, Laur, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Christian Malaca, 39-anyos, residente ng Barangay San Fernando sa nasabing bayan.

Batay sa paunang impormasyon, dalawang suspek na nakasuot ng itim na jackets, helmets, at face masks ang lumapit at binaril ang biktima ng hindi pa matukoy na uri ng baril at agad na tumakas patungo sa bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakinlanlan ng mga suspek.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng pagtugis sa dalawang suspek.

-- ADVERTISEMENT --