Aabot sa P6Million ang inisyal na halaga ng mga nasirang pananim na palay, mais at poultry and livestock products sa Lambak ng Cagayan dulot ng bagyong Carina.
Ayon kay Paul Vincent Balao focal person ng disaster risk reduction and management unit ng DA Region 2, ilan sa mga lugar na ito ay sa probinsiya ng Sta.Maria Isabela, Kasibu Nueva Vizcaya at Aparri dito sa probinsiya ng Cagayan ngunit ito ay unvalidated pa at hindi pa final damage report.
Sa probinsiya ng Isabela ay nakapagtala ng insiyal na 170 hectares ng nasirang mais na nagkakahalaga ng P4.5Million ganundin sa Kasibu Nueva Vizcaya na 3 hectares ang nasirang mais at 8.3 hectares high value vegetables na nagkakahalaga naman ng P1.6Million ang nasira.
Aabot naman sa P80,550 ang halaga ng nasirang poultry and livestock na nababad at nalunod dahil sa lakas ng ulan sa bayan ng Aparri.
Samantala, sa kabila ng masamang naidulot ng nasabing bagyo ay nakatulong naman ito sa mga pananim na palay sa ilang lugar sa Region 2 at marami ring mga magsasaka na sinamantala ang mga pag ulan upang magpatuloy sa pagtatanim dahil na rin sa naranasang El Nino nitong mga nakalipas na buwan at maraming pananim ang nasira dahil sa kawalan ng tubig.
Sa ngayon ay inaantay na lamang ang report na manggagaling sa bayan ng Sta.Ana, Sta.Teresita, Gonzaga, Buguey at Aparri na nakaranas ng malakas na pag ulan kung saan ang mga pananim dito ay nasa vegetative stage na.