TUGUEGARAO CITY-Mahigit P100 milyong ang napinsala sa agrikultura dahil sa naranasang pagbaha nitong nakalipas na araw sa lalawigan ng Cagayan
Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Cagayan, mahigit P80milyon sa mga pananim na mais mula sa bayan ng Alcala, Camalanuigan, Gattaran, Allacapan,Lasam, Piat, Rizal, Amulung, Enrile, Iguig, PeƱablanca, Solana at lungsod ng Tuguegarao ang nasira kung saan 8,120 corn farmers ang naapektuhan.
Sa pananim na palay naman ay umaabot sa mahigit P30 milyon ang nasira sa probinsya kung saan 11,000 magsasaka ang apektado.
Samantala, nakabalik na ang ilan sa mga residente sa kanilang mga tahanan na unang lumikas dahil unti-unting humuhupa ang tubig-baha.
Matatandaan, nasa 10,201 na pamilya na katumbas ng 35,665 na indibidwal ang naapektuhan kung saan 1,302 na pamilya na may 4,545 ang isinailalim sa pre-emptive evacuation.