Handa na ang Manila Police District (MPD) para sa inaasahang malawakang kilos-protesta na isasagawa sa Luneta Park at iba pang bahagi ng Maynila sa September 21, 2025.

Sa Press conference sa Kampo krame sinabi ni MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines, nasa 957 na pulis ang ide-deploy sa mismong araw ng rally.

Bukod sa Luneta Park, mahigpit ding babantayan ng mga pulis ang US Embassy, Liwasang Bonifacio, Mendiola, España Boulevard, paligid ng Malacañang, DPWH Central Office, at mga lugar na may checkpoint.

Giit ni Ines, wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad pero posible pang madagdagan ang bilang ng mga pulis depende sa sitwasyon.

Samantala, tiniyak din ng MPD na ipatutupad ang maximum tolerance upang matiyak ang kaayusan sa kaliwa’t kanang kilos-protesta.

-- ADVERTISEMENT --