
Ipinasakamay na ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ebidensiya na bumuo sa basehan ng kanyang arrest warrant dahil sa alegasyon ng murder bilang crime against humanity.
Batay sa dokumento na inilabas ng ICC, sinabi ng prosecution sa Pre-Trial Chamber (PTC) 1 na nagawa nilang makuha noong March 21 ang “181 items” na bumubuo sa mga ebidensiya na nagsasangkot kay Duterte sa mga kaso.
Ang dating pangulo at Davao City Mayor ay inakusahan na “indirect coperpetrator” sa sistematiko at malawakang pagpatay sa ilalim ng polisiya na kanyang ipinatupad para mawakasan ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan sa notice na ang mga ito ang basehan ng warrant of arrest laban kay Duterte.
Ang annex sa notice na inihain ay idineklarang confidential kaya naman hindi ito maaaring ilabas sa publiko.
Idinagda pa ni Khan na nakatakda nilang ibigay sa defense team ang iba pang ebidensiya mula sa pitong testigo, kung saan humingi ang prosecution ng pagpapalawig ng pagsusumite sa korte.
Tinukoy ng prosecution ang regulation 35 ng Regulations of the Court ng ICC sa paghingi ng extension ng palugit sa evidence disclosure.
Kaugnay nito, sinabi ng ilang legal experts, ang pagsusumite ng mga ebidensiya sa defense team ay bahagi ng ICC proceedings at itinuturing na mahalaga kapwa sa prosecution at defense