Magiging prayoridad ngayong taon ang nasa halos 300 barangay sa Cagayan Valley para sa implimentasyon ng mga proyekto at programa ayon sa ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ayon kay NICA Regional Director Plor Olet, kabuuang 291 barangay na maituturing nang insurgency cleared ang maging focus ng mga development program simula ngayong 2025.
Ito ay nasa ilalim ng National Action Plan for Unity, Peace and Development kung saan nakapaloob ang mga commitment, plans and programs ng NTF-ELCAC.
Layon nitong matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo at iparamdam sa mga malalayong komunidad ang presensiya ng pamahalaan na kumikilos para matulungan silang maingat ang kanilang pamumuhay.