Nananatili sa evacuation centers ang mahigit 1,000 families na binubuo ng 3,928 inviduals na binaha ang kanilang mga lugar.
Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan Police Provincial Office na ang mga ito ay nasa 36 na evacuation centers sa mga bayan ng Gattaran, Alcala, Solana, Amulung, Enrile, at lungsod ng Tuguegarao.
Idinagdag pa niya na may ilang lugar pa sa lalawigan at sa lungsod ang lubog pa rin sa tubig-baha, habang may mga areas din na isolated pa rin sa Sto. Niño at sa Solana.
Sinabi ni Fronda na marami ring mga pulis ang itinalaga sa mga apektado ng kalamidad na tumulong sa paglikas sa mga binahang mga residente.
Kaugnay nito, sinabi ni Fronda na ang kanilang karanasan sa kanilang rescue operation ay ang pagpilit sa ilang residente na lumikas na, dahil may mga ayaw na iwan ang kanilang mga bahay at kanilang mga alagang hayop dahil sa pangamba na mawawala ang mga ito.
Subalit, kalaunan ay napasunod din nila ang ilan sa mga ito na sumakay ng gamit nilang bangka at dinala sa evacuation centers.