891 na mga Pilipino mula Malaysia ang nakauwi na ng Mindanao.

Ang naturang mga Pinoy ay dumating sa Zamboanga City Port kasama ang mga bata, sakay ng MV Antonia 1 mula Malaysia.

Sinalubong naman sila ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region-9 Office, at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung saan tinulungan sila sa health check, dokumentasyon, at pansamantalang tirahan.

Tiniyak din ng OWWA ang patuloy na pagkakaloob sa Pinoy deportees ng pinansyal at pangkabuhayan na suporta para sa kanilang muling pagsisimula.

-- ADVERTISEMENT --