Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa Forestry Code of the Philippines ang tatlong indibidwal na magkasunod na nahuli sa tangkang pagpuslit ng halos P1 milyon na halaga ng nilagareng narra sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMAJ Roderick Rabago, chief of police ng PNP- Aritao na unang nasabat ng pulisya at DENR sa checkpoint sa Brgy Calitlitan ang closed van na may kargang 69 na piraso ng narra lumber na tinatayang mahigit 1,800 board feet at nagkakahalaga ng mahigit P935-K.

Galing umano sa lalawigan ng Apayao ang mga nilagaring kahoy na idedeliver sana sa Taytay, Rizal nina si Eliseo Inicio, 45-anyos, driver at Mark Alvin Elpos, 31-anyos, helper at kapwa residente ng Baliuag Bulacan.

Sunod namang nahuli sa hot pursuit operation sa bayan ng Sta Fe ang sinasabing may-ari ng mga iligal na kahoy na si Rodel Ganab, negosyante at tubong Ilocos Sur.

Ang mga nasabat na narra lumber ay naka impound na sa DENR.

-- ADVERTISEMENT --