Nanawagan ang isang labor coalition sa pamahalaan na pag-aralan ang pagpapatupad ng anim na oras na trabaho sa ilalim ng compressed o four-day work week.

Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagreresulta ng pagtaas ng productivity ng mga manggagawa ang mahabang oras ng trabaho.

Iginiit ng grupo na sana ay pag-aralan ng pamahalaan ang traditional na work arrangements habang tinutugunan ang kasalukuyang geopolitical instability at paghina ng ekonomiya bunsod ng kaguluhan sa Middle East.

Binigyang-diin ng grupo na huwag na sanang ipilit ang 10 oras ng trabaho sa 4-day work week.

Sinabi ng grupo lalo lamang magdudulot ng kapaguran, stress, pagkakamali at bawas na oras sa pamilya ang nasabing hakbang.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ng grupo na kung nais ng pamahalaan na magpatupad ng pagbabago sa oras ng trabaho, dapat na subukan ang mas maiksing oras sa trabaho sa isang araw at sukatin ang resulta.