Lumakas pa ang malamig na hanging amihan na nakakaapekto na sa halos buong Luzon.

May mga pag-ulan pa rin sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa amihan at shear line, samantalang mga localized thunderstorm naman ang posibleng magpaulan sa nalalabing bahagi ng bansa.

Halos maulap hanggang sa makulimlim pa rin ang papawirin na may mga mahihinang pag-ulan ang asahan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon.

Pangkalahatang maayos na ang panahon sa Metro Manila, Ilocos Region, MIMAROPA, at nalalabing mga bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

Ang ๐—ฆ๐—›๐—˜๐—”๐—ฅ ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ o pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at easterlies mula sa Pasipiko ay bumaba at nakakaapekto na silangang mga bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa mga susunod na oras ay inaasahang magiging halos maulap hanggang sa makulimlim ang papawirin na may mga pag-ulan sa Bicol Region at Northern Samar. Posibleng maapektuhan rin ang mga karatig na lugar.

Ang ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—Ÿ๐—œ๐—˜๐—ฆ o hangin galing sa Karagatang Pasipiko ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa pa rin ng mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ na posibleng direktang makaapekto sa bansa sa susunod na tatlong (3) araw.