Tinanggap na si US Vice President Kamala Harris ang pagkatalo kay President Donald Trump.
Sa kaniyang concession speech sa Howard University sa Washington D.C, na makikibahagi ito sa mapayapang paglilipat ng kapangyarihan kay Trump.
Hinikayat din nito ang mga supporters na sundin ang prinsipyo ng American democracy na kapag natalo sa halalan ay marunong din dapat ito na tanggapin.
Bagamat hindi tumugma sa kaniyang kagustuhan ang resulta ng halalan ay naniniwala ito sa American promise na magpapauloy ang liwanag basta hindi agad na bumibigay at patuloy ang pakikipaglaban.
Una nang tinawagan ni Harris si Trump para batiin siya sa kanyang panalo at tinalakay ang maayos at payapa na paglilipat ng kapangyarihan.
Magugunitang ilang oras bago ang talumpati ni Harris ay tinawagan niya si Trump para batiin at tinalakay nila ang mapayapang paglilipat ng kapangyarihan.