Posibleng nakaapekto sa ilang bahagi ng Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa ang haze na iniuugnay sa patuloy na mga sunog sa Kalimantan, Indonesia, ayon sa Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau o DENR-EMB.

Ayon sa ahensya, posibleng nadala sa Pilipinas ng prevailing winds ang usok mula sa mga sunog sa Indonesia. Samantala, idineklarang “very unhealthy” ang air quality sa 10 lungsod sa Metro Manila, habang “acutely unhealthy” naman sa Las Piñas at Parañaque.

Pinayuhan ng DENR-EMB ang publiko na bawasan ang matagal na pananatili sa labas, lalo na sa mga lugar na kapansin-pansin ang haze. Pinapayuhan ding magsuot ng well-fitting mask, gaya ng N95, at manatiling updated sa mga opisyal na abiso hinggil sa air quality.