Naglabas ng pahayag ang United States at ilang kaalyado nito bilang suporta sa soberanya ng Panama, kasunod ng umano’y hakbang ng China na nakakaapekto sa mga barkong may bandilang Panama.

Ayon sa pahayag, binabantayan nila ang umano’y economic pressure ng China at iginiit na dapat manatiling malaya ang Panama sa panlabas na impluwensiya, lalo na’t mahalaga ang Panama Canal sa pandaigdigang kalakalan.

Nauna rito, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ng Panama ang kontrata ng kumpanyang CK Hutchison sa mga pangunahing pantalan sa kanal.

Samantala, itinanggi ng China ang mga akusasyon at sinabing poprotektahan nito ang kanilang interes.