To the rescue si Heart Evangelists sa kanyang asawa na Senate President Francis Escudero matapos na batikusin siya ng netizens dahil sa issue ng holidays sa bansa.

Nilinaw ni Heart, na hindi isinusulong ng kanyang asawa ang pagbabawas ng holidays sa bansa sa halip ay sinabi lang niya na huwag nang dagdagan.

Una rito, sinabi ni Escudero sa pulong balitaan na masyado nang maraming holiday sa bansa kaya nababawasan ang competitiveness ng mga kumpanya at mga manggagawa.

Idinagdag pa niya na nagkasundo ang Senado na magpatupad ng limitasyon sa non-working holidays, na makakaapekto umano sa government at service at private enterprises sa kanilang kompensasyon.

Sinabi ni Heart ang komento ng isang netizen na huwag bawasan ang holidays na ito ay fake news.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, hindi naman babawasan sa halip ay hindi na nadagdagan.

Una ring nilinaw ni Escudero ang usapin at sinabi niya na wala namang problema sa mga umiiral na holidays.

Ayon sa kanya ang paninindigan ng Senado ay huwag na itong dagdagan dahil sa napakarami nang holidays sa bansa.

Iginiit niya na wala silang intensiyon na bawasan ang mga holidays.