
Mananatili sa puwesto bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology o DICT si Henry Aguda, ayon sa Palasyo.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na wala silang natanggap na impormasyon tungkol sa umano’y pagbibitiw ni Aguda.
Sa pahayag naman ni Aguda, sinabi niyang nakatuon siya sa pagtupad sa kanyang mga responsibilidad at pagpapatuloy ng mga gawain ng ahensya.
Dagdag niya, naglilingkod siya bilang DICT secretary sa kagustuhan ng Pangulo at kinikilala niya ang prerogative nito kaugnay sa mga miyembro ng Gabinete.
Nagsimulang mamuno si Aguda sa DICT noong Marso 2025, kapalit ni dating kalihim Ivan Uy.
-- ADVERTISEMENT --




