Nagpakawala ang Hezbollah movement ng Lebanon ng mga rockets sa northern Israel.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagganti matapos na mapatay ng Israel ang isa nilang senior commander.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na mahigit 200 na mga rockets ang tumawid sa kanilang border.

Wala namang nasawi subalit nagdulot ng pagkasunog sa ilang bahagi ng Israel.

Magugunitang napatay ng Israel si Taleb Sami Abdullah ang senior field commander ng Hezbollah.

-- ADVERTISEMENT --