Umabot sa humigit-kumulang 1,500 pamilya, o tinatayang 5,000 indibidwal, ang apektado ng pagbaha dulot ng shear line sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Cagayan, ang mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Enrile, Peñablanca, Solana, Amulung, Alcala, at Lungsod ng Tuguegarao.

Bagaman bahagyang huminto ang pag-ulan sa lalawigan, sinabi ni Rapsing na nananatili ang makakapal na ulap na maaaring magdulot muli ng malalakas na pag-ulan at posibleng magpataas ng lebel ng tubig sa mga ilog.

Sa pinakahuling monitoring, nasa 10.7 metro ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge sa Lungsod ng Tuguegarao, mas mababa kumpara sa 11.1 metro na naitala kahapon.

Iniulat naman ng PDRRMO na walang naitalang nalunod o anumang casualty.

-- ADVERTISEMENT --