Umakyat pa sa 275,590 mga indibidwal ang apektado ng sama ng panahon dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), katumbas ito ng 55, 642 pamilya mula sa Regions 9, 10, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa nasabing bilang mahigit 6,273 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 9 na evacuation centers.

Nananatili naman sa 4 ang napaulat na nasawi.

Samantala, muling nagsagawa ng aerial inspection ang Office of Civil Defense – BAR sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao del Sur, partikular sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki at Talayan.

-- ADVERTISEMENT --

Katuwang ng OCD ang Tactical Operations Group 12 ng Philippine Air Force (PAF) at 6th Infantry Division upang suriin ang lawak ng pinsala ng sama ng panahon.

Ayon sa OCD, 14 munisipalidad at 140 barangays sa probinsiya ang naapektuhan, na may libo-libong kabahayan at indibidwal na apektado.