
Umabot sa 1234 pamilya o 4831 na indibidwal mula sa 19 na barangay sa lungsod ng Tuguegarao ang apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng shear line.
Ayon sa ulat ng City Social Welfare Development Office, 874 na pamilya o 3563 indibidwal ang apektado ng pagbaha.
Batay sa datos higit 500 pamilya o higit 1400 indibidwal ang lumikas sa mga evacuation center mula nang maranasan ang matinding pag-ulan.
Sa kasalukuyan, 310 pamilya o 1011 indibidwal ang nananatili sa loob ng mga evacuation center.
Samantala, bumaba na sa 8.3 meters ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge, ngunit nanatiling srado ang ilang pangunahig daanan sa lungsod kabilang ang Bonifacio St., Extension Centro 1 (Riverbank Panciteria); RIVERPARK; Aguinaldo St., Extension to Pinacanauan River Park; Gunnacao St.,(Highway) to Pinacanauan Avenue; Pinacanauan Avenue corner Taft St., Extension Centro 5; Pinacanauan Avenue Corner Del Pol St., Balzain East; Fish Depot to Macapagal Crossing, Centro 10; Pinacanauan Avenue to Tanza Highway (JBK).
Hindi pa rin madaanan ang Pinacanauan Overflow Bridge.
Inanunsiyo naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod na mayroon ng pasok sa lahat ng antas bukas maliban sa Annafunan Integrated School, Tuguegarao East Central School, at Tuguegarao North Central School na magpapatupad ng alternative delivery modes dahil nagsisilbing pa rin ang mga ito na evacuation centers.










