Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa isang 24-anyos na lalaki na nasamsaman ng mahigit P1 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang operasyon ng pulisya sa kanyang tahanan sa Brgy Ugad, Cabagan, Isabela.
Kinilala ni PMAJ Rey Lopez, hepe ng Cabagan Police Station ang suspek na si JC Datul, isang street level individual at walang trabaho.
Sa bisa ng search warrant ay positibong nakumpiska sa loob ng bahay ng suspek ang nasa P1.02 milyon halaga ng umanoy shabu na may timbang na 150 grams na isinasailalim na sa testing sa PNP Crime Laboratory sa Ilagan City.
Dagdag pa ni Lopez na ikinasa ang operasyon matapos magsagawa ng surveillance ang mga otoridad laban kay Datul.