Inaresto si hip-hop mogul Sean “Diddy” Combs sa New York dahil sa hindi tinukoy na mga kaso.

Ang pag-aresto kay Combs ay kasunod ng pagsalakay sa dalawang ari-arian sa Los Angeles at Miami noong buwan ng Marso bilang bahagi ng imbestigasyon ng mga otoridad sa sex trafficking.

Kaugnay nito, Atty. Marc Agnifilo, abogado ni Combs na dismayado sila sa pag-aresto at iginiit na inosente ang kanyang kliyente.

Nahaharap ang musician sa serye ng mga alegasyon mula sa sexual assault at pang-aabuso, kabilang mula sa kanyang ex-partner na si Casandra “Cassie” Ventura.

May kinakaharap si Combs na ilang bilang kaso, kabilang ang mga alegasyon na ginahasa niya ang isang menor de edad at pinilit ang isang producer na makipagtalik sa ibang lalaki.

-- ADVERTISEMENT --

Si Combs na kilala sa mga pangalang Puffy, Puff Daddy, P Daddy, Love, at Brother Love ay isa sa pinakamatagumpay na mogul sa rap.