
Kinuwestiyon ng House prosecution panel ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa arraignment ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Pulong Duterte, habang hindi umano ito dumadalo sa sarili niyang impeachment trial.
Ayon kay House prosecutor Terry Ridon ng Bicol Sary Partylist, dapat ding harapin ng bise presidente ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa Senate impeachment court.
Sinabi naman ni House prosecutor Rep. Zia Adiong na nauunawaan nila ang pagdalo ni Duterte bilang suporta sa kanyang kapatid, ngunit mayroon din siyang obligasyon sa publiko na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Samantala, dumalo si Vice President Duterte sa arraignment ni Paolo Duterte noong Agosto 13 sa Davao City Regional Trial Court Branch 52 kaugnay ng grave threats case.
Hindi umamin sa kaso ang kongresista at hindi rin ito nagpasok ng plea dahil kinuwestiyon niya ang hurisdiksyon ng korte.
Sa ngayon, hindi pa rin dumadalo si Vice President Duterte sa 15 araw ng kanyang impeachment trial sa Senado.










