Screenshot

Kumpiyansa ang 11-member House prosecution panel na malalampasan ng kanilang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte ang masusing pagsusuri ng Senado sa impeachment trial.

Sa isang press conference, sinabi ni lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na handa silang iharap ang kanilang mga ebidensya at testigo sa Senado.

Pinuri rin ni Luistro ang Senado matapos itong mag-convene bilang impeachment court alinsunod sa mandato ng 1987 Constitution.

Ayon pa sa mambabatas, mahalagang maituloy agad ang paglilitis upang maipresenta ng prosecution panel ang kanilang mga ebidensya na magiging basehan ng posibleng conviction o acquittal sa kaso laban sa Bise Presidente.