
Tinawag ng House prosecution team na kahinaan para sa depensa ang testimonyang ibinigay ng kanilang unang testigo na si Jaime Adalin sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor Joel Chua, puno ng kontradiksyon ang pahayag ng testigo kaugnay ng ari-ariang idineklara sa SALN ng Bise Presidente kumpara sa opisyal na rekord ng eCAR.
Dahil dito, idiniin ni Private Prosecutor Benjamin Tolosa Jr. at ng ilang senador na malabo at walang matibay na batayan ang pahayag ng testigo.
Nabigo rin itong linawin kung bakit magkapareho ang ilang datos sa SALN gayong maaari namang magkaroon ng kaparehong assessed value ang iba pang kalapit na ari-arian sa lugar.










