Hinikayat ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang Department of Budget and Management na pabilisin ang paglalabas ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan upang agad itong maramdaman ng publiko.

Ayon kay Dy, hindi magiging makabuluhan ang mga naipasang batas kung hindi agad naipatutupad dahil sa mabagal na pag-release ng pondo.

Sa kanyang talumpati bago ang adjournment ng sesyon, sinabi ni Dy na nakapasa ang Kamara ng 17 sa 52 prayoridad na panukala ng administrasyon.

Kabilang sa mga nabanggit niyang mahalagang panukala ang mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, Presidential Merit Scholarship Program, at ang Digital Payments Act.

Binigyang-diin ni Dy na mahalagang matiyak na ang mga pondong inilaan ng Kongreso ay agad na naipararating sa mga mamamayan upang maging epektibo ang implementasyon ng mga programa ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --