Pinasinungalingan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang paratang ng mga progresibong grupo na umanoy mga paglabag ng militar sa karapang pantao ng mamamayan sa San Mariano, Isabela.

Ayon kay Major General Pablo Lorenzo, AFP Commander ng 5th ID na paninira lamang sa Community Support Program (CSP) team ang sinasabing naitalang labing-anim na human rights violation ng militar sa mga liblib na Barangay.

Binigyang-diin ni Lorenzo na iginagalang nila ang karapatan ng mga mamamayan alinsunod sa international humanitarian law at sinusunod nila ang rules of engagement.

Kinontra din ni Lorenzo ang inilabas na pahayag ng New Peoples Army (NPA) kaugnay sa pag-ako ng panununog sa mga kontrabandong kahoy dahil umanoy nagpapabayad ang militar kapalit ng paglusot ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa naturang bayan.

Aniya, hindi gawain ng militar ang paratang ng makakaliwang grupo dahil mismong ang militar ang rumesponde sa panununog na kagagawan ng NPA.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Lorenzo, 1,000 board feet lamang ang sinasabing dalawang insidente ng pagkakalusot ng mga iligal na kahoy, taliwas sa 11,000 board feet na aniyay paratang ng NPA sa militar.

Dagdag pa niya, hindi ang militar ang nagsasagawa ng checkpoint kung kaya malisyoso ang paratang ng NPA.

—with reports from Bombo Rose Ann Ballad