Maraming nakalinya na aktibidad ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 para sa selebrasyon ng Labor Day sa May 1.

Sinabi ni Jesus Elpidio Atal, director ng nasabing ahensiya na ang highlight pa rin ng pagdiriwang ay ang malawakang job fair na isasagawa sa Tuguegarao City, Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Ayon kay Atal, 5, 418 ang job vacancies na alok ng 100 na employers.

Umaasa siya na mapupunan ang lahat ng nasabing job vacancies kaya ang target nila ay dapat 20 percent ng lahat ng mga nagparehistro sa job fair ay ma-hire on the spot.

Bukod sa job fair, ang bagong aktibidad ngayong taon ay ang Labor day Fun Run sa Tuguegarao City kung saan ay inimbitahan nila ang iba’t-ibang labor unions sa Region 2 na layunin na kilalanin ang kontribusyon ng mga mangaggawa at mabigyan sila ng disenteng trabaho at isulong ang kanilang mga karapatan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Atal na magkakaroon din ng pay-out sa mga TUPAD beneficiaries sa buong rehion na nagkakahalaga ng P58m.

Idinagdag pa niya na magkakaroon ng service caravan para ilapit ang serbiyo ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Ang tema ngayong taon ng pagdiriwang ng Labor Day ay “Bagong Pilipinas, manggagawang Pilipino, kabalikat at kasama sa pag-asenso”.