Tatlong mahihinang pagbuga ng abo kahapon ng umaga na may taas na 500 metro ang naobserbahan sa Bulkang Kanlaon kahapon kasunod ng patuloy na pagbuga ng gas, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nakarating ang mga bakas ng abó sa mga barangay ng Yubo at Ara-al sa La Carlota City at sa Barangay Sag-ang sa bayan ng La Castellana.

Sinabi ng Phivolcs na walang naitalang seismic o infrasound signals sa mga kaganapang ito. Idinagdag din na ang pagbuga ng volcanic sulfur dioxide ay naitala sa 2,769 tonelada.

Nanatili ang Kanlaon sa Alert Level 2, kahit pa nagbabala ang Phivolcs na ang kasalukuyang aktibidad ay maaaring humantong sa pagputok at pagtaas ng kasalukuyang alert level.

Ayon sa mga volcanologist ng estado, patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong ang layo mula sa bulkan.

-- ADVERTISEMENT --