TUGUEGARAO CITY-Ipinauubaya na umano ng Integrated Bar of the Philippines (IBP )sa gobyerno ang usapin ukol sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Atty Domingo Egon Cayosa, president ng IBP,ang VFA ay government business kaya kanilang ipinauubaya sa gobyerno ang naturang usapin.
Aniya, maaaring magkakaiba ang sentimyento o paningin ng mga senador, gabinete ,AFP at ang Office of the President ngunit kailangan pa ring magtiwala dahil ito ay kanilang nirereview.
Samantala, hindi naniniwala si Cayosa na ang punot dulo ng kanselasyon ng VFA ay ang pagkansela ng US sa Visa ni dating PNP chief Ronald “bato”Dela Rosa.
Sinabi ni Cayosa na matagal nang panawagan na ibasura ang VFA hindi lamang ang pangulo kundi maging sa ibang sektor ng lipunan.
Aniya,ito’y dahil ang ibang pangako ng US tulad ng pagbibigay ng ayuda sa bansa dahil sa pag-angkin ng China sa ilang Isla ay pinabayaan na umano ng US.
Ayon kay Cayosa, ang doktrina ng US ay hindi na sumasang-ayon sa international law o interests ng bansa kaya normal lamang na i-assess o tignan kung ano ang mas nakakabuti sa bansa.
Dahil dito, panawagan ng IBP sa supreme court na desisyonan na ang naturang usapin dahil matagal na umano itong nakabinbin.