
Itinakda na ng International Criminal Court (ICC) ang pormal na iskedyul para sa ikalawang status conference sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity dahil sa kanyang madugong ‘war on drugs.’
Sa inilabas na public order ng ICC nitong Huwebes, nakasaad na gaganapin ang status conference sa Hunyo 23, 2026, mula las-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali (lokal na oras).
Ayon sa Trial Chamber III ng ICC, limang pangunahing isyu ang pagtutuunan ng talakayan sa nasabing pagdinig, kabilang ang mga sumusunod:
Nauna nang isinagawa ang unang status conference noong Mayo 27, 2026, kung saan napagpasyahan ng hukuman na kailangan pa ang ikalawang session para sa mas detalyadong pagtalakay sa proseso ng kaso.
Bilang paghahanda, hiniling ng korte noong Hunyo 12 na maghain ng mga mungkahi na dapat talakayin. Ayon sa record, nagsumite lamang ng rekomendasyon ang prosekusyon noong Hunyo 17, habang ang depensa at Registry ay nagsabing wala silang inihahain na dagdag na item.
Bagama’t pampubliko ang status conference, nilinaw ng ICC na maaaring magdaos ng private session kung kinakailangan, lalo na para maiwasan ang paglabas ng sensitibong impormasyon kaugnay ng witness protection at seguridad.
“The status conference will be public,” ayon sa ICC panel. Gayunpaman, maaari umano itong maantala sa public viewing kapag may security issues.
Kinumpirma rin ng korte na hindi dadalo si Duterte sa nasabing pagdinig matapos niyang i-waive ang kanyang karapatang dumalo.









