Bilang bahagi ng national day of remembrance ngayong araw ay mag-aalay ang Philippine National Police (PNP) ng misa bilang pag-alala sa 44 na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na namatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Ayon kay LTCol Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office II, kasama sa paggunita sa ika-5 taong anibersayo ng SAF 44 ang pamilya ng dalawang pulis na mula sa rehiyon.

Pagkatapos ng misa na idaraos sa regional command ng alas 7:00 ng umaga ay isasagawa ang wreath laying ceremony o pag-aalay ng mga bulalak sa dambana ng mga bayaning pulis.

Gagawaran din ang mga nasawing SAF ng 21-gun salute.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 164 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 21, 2017 ay idineklara ang Enero 25 kada taon, bilang national day of remembrance upang kilalanin ang kabayanihan ng SAF 44 na nagbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang SAF 44 ay bahagi ng misyon na magsilbi ng arrest warrant laban sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na isang Malayasian bomber.

Pero nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at local armed groups.