Tuguegarao City- Muli nanamang nakadiskubre ng isa pang vintage bomb ang mga otoridad sa lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam kay PCAPT Jayson Macadangdang, Head ng Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit, habang naghuhukay ang mga gumagawa ng drainage canal sa Brgy. Nabaccayan, Gattaran ay nakita nila ang isang 105mm high explosive vintage bomb.

Ayon sa kanya, ang nasabing bomba ay may sukat na 17 inches at may bigat na 13-15kg.

Sa ngayon ay nasa safe keeping na ang mga nasabing vintage bomb.

Matatandaan na unang nakadiskubre ng kaparehong vintage bomb na may sukat na 52 inches at bigat na 1000 pounds ang mga otoridad sa gilid ng Ilog Cagayan sa Brgy Linao West, Tuguegarao City matapos ang malawakang pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --