Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, alas-8:05 ng umaga kahapon.

Ayon sa Phivolcs, may lalim ito na 12 km at tectonic ang pinagmulan.

Ang epicenter ay namataan sa layong 7 km sa timog kanluran ng Tuao, Cagayan.

Nai-record naman ang Intensity III sa Pinukpuk, Kalinga.

Sa pagtaya ng mga eksperto, maaari pang masundan ang lindol ngunit mahina na lamang ito.

-- ADVERTISEMENT --