Inihayag ng Philippine National Police (PNP)na makikialam sila sa pagtitipon sa Edsa Shrine kung makakaapekto na ito sa trapiko.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, na hindi nila papayagan na sakupin nila ang kahabaan ng Ortigas Avenue at maging sa EDSA dahil ito ay makakaapekto na sa daloy trapiko.

Dahil dito, sinabi niya na pinapanatili nila ang security coverage upang matiyak na hindi sila lalagpas sa pinapayagan ng management ng EDSA Shrine para sa pagtitipon.

Sina ni Farajardo na kaninang 6:00 a.m. may na-monitor sila na nasa 100 katao sa nasabing lugar.

Gayunman, sinabi niya na wala pang indikasyon para sa PNP na magtaas ng alerto sa gitna ng pagtitipon sa EDSA Shrine.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Fajardo na nasa pagpapasiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpatupad ng pagbabago sa nasabing lugar.

Una rito, nagpaalala ang rector ng Shrine of Mary, Queen of Peace, Our Lady of EDSA (EDSA Shrine) sa publiko na ipatupad ang proper decorum at respeto sa pagbisita sa mga banal na lugar sa pagpunta ng mga tao sa makasaysayang simbahan.

Sinabi ni Rv. Fr. Jerome Secillaqno na ilang katao ang pumunta sa EDSA Shrine sa hindi nila alam na dahilan.