TUGUEGARAO CITY-Nasa sampung piraso na deadly weapon at apat na bote ng nakalalasing na inumin ang nakumpiska ng Kalinga-PNP sa kanilang pagbabantay sa mga sementeryo kasabay nang paggunita ng Undas.

Ayon kay P/Maj Richard Gadingan, tagapagsalita ng Kalinga-PNP,mahigpit ang kanilang ginawang pagbabantay para walang makalusot na anumang gamit na hindi dapat dalhin sa sementeryo.

Bagamat, gagamitin sa paglilinis ang mga nakuhang itak, hindi pa rin ito pinayagan ng kanilang hanay na dalhin sa sementeryo.

Sa kabila nito, sinabi ni Gadingan na naging mapayapa ang pagbabantay ng kanilang hanay sa buong probinsiya ng Kalinga.

Samantala, bagamat abala ang kanilang hanay sa pagbabantay sa mga sementeryo sinabi ni Gadingan na tuloy pa rin ang kanilang operasyon kontra illegal na droga kung saan isa ang kanilang nahuli kasabay ng Undas.

-- ADVERTISEMENT --