
Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang biyahe nito papunta at pabalik ng Middle East dahil sa umiiral na kaguluhan sa rehiyon nitong Sabado, Pebrero 28.
Kabilang sa mga kanseladong flight ang:
- PR684 (Manila–Doha)
- PR655 (Riyadh–Manila)
- PR659 (Dubai–Manila)
- Marso 1, 2026
- PR685 (Doha–Manila)
Ayon sa abiso ng PAL, kinansela ang mga naturang biyahe dahil sa “restrictions in flight operations in the concerned Middle East stations.”
May ilang eroplano na nakaalis na mula Maynila ngunit napilitang bumalik kabilangang:
- PR654 (Manila–Riyadh) – umalis nitong Sabado at nakatakdang bumalik sa Maynila bandang alas-10:40 ng gabi (local time).
- PR658 (Manila–Dubai) – umalis din nitong Sabado at inaasahang darating sa Maynila pasado alas-9:52 ng gabi (local time).
Samantala, ipinaalam rin ng Cebu Pacific ang kanselasyon ng flight 5J 14/15 (Manila–Dubai–Manila) na nakatakda sa Marso 1.
Pinayuhan naman ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang mga pasahero na tiyaking i-check ang pinakahuling status ng kanilang flight bago magtungo sa paliparan.
Inabisuhan din ang mga susundo sa airport na beripikahin muna ang arrival time ng kanilang mga mahal sa buhay dahil maaaring magkaroon ng pagbabago sa iskedyul ng mga biyahe.




