Posibleng matapos ngayong taon ang ilan sa mga kasong may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control project na hawak ng Sandiganbayan.

Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg, nasa defense stage na ang unang batch ng mga kasong isinampa ng Office of the Ombudsman noong Nobyembre 2025.

Sinabi ni Econg na kung masusunod ang itinakdang proseso sa ilalim ng Speedy Trial Act, maaaring magkaroon na ng conviction o acquittal sa mga kasong ito bago matapos ang taon.

Sa ngayon, sinabi niyang 26 na kaso na may kaugnayan sa flood control anomalies ang hawak ng Sandiganbayan, na kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

Samantala, iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat dagdagan, sa halip na bawasan, ang pondo ng Sandiganbayan dahil sa dami ng mga kasong kailangang hawakan nito.

-- ADVERTISEMENT --

Tutol si Gatchalian sa panukalang P551-million budget cut sa Sandiganbayan, lalo na ngayong inaasahang dadami pa ang mga kasong may kaugnayan sa flood control projects.