
Ilang lalaki ang inaresto ng pulisya sa United Kingdom dahil sa hinalang paglabag sa Explosives Act, matapos ideklara ang isang “major incident” malapit sa RAF Fairford, isang air base na ginagamit ng US Air Force.
Ayon sa Gloucestershire Police, inilikas ang ilang residente sa kalapit na Whelford habang sinusuri ng Army bomb disposal team ang ilang sasakyan.
Nasa lugar ang humigit-kumulang 30 emergency vehicles, kabilang ang mga police car, ambulansya at fire engine. Sinabi ng pulisya na contained na ang insidente.
Ginagamit ang RAF Fairford ng US personnel, at pinayagan ng British government ang Estados Unidos na gamitin ang base para sa mga pag-atake laban sa missile sites ng Iran.










