Nakataas ngayon ang storm signal no.1 sa eastern portion ng mainland Cagayan sa Santa Ana, Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Lal-Lo, Gonzaga at northeastern portion ng Isabela gaya ng Divilacan, Palanan at Maconacon bunsod ng bagyong Carina.

Kaugnay nito, nasa red alert status ang Cagayan at Batanes bilang paghahanda sa posibleng epekto.

Sa memorandum no. 82 series of 2024 na pirmado ni Regional Director Leon Rafael ng Office of Civil Defense o OCD Region 2 na siya ring chairperson ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council, nakataas din sa red alert status ang emergency operations center ng ilang lugar sa Isabela na posibleng madaanan ng bagyo.

Dahil dito, pinakilos na ang response cluster ng CVDRRMC at inilagay din sa Charlie protocol ang emergency preparedness and response ng rehiyon dos.

Kaugnay nito ay patuloy naman ang pagpapaalala ng mga kinuukulan sa mamamayan at iba pang maaapektuhan ng nasabing bagyo na palagiang imonitor ang sitwasyon,at magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment meetings.

-- ADVERTISEMENT --

Inatasan naman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga Local Disaster Risk Reducytion and Management Offices na magsumiti ng kanilang preparedness plan para matiyak ang kaligtasan ng mga mamayan sa epekto ng pag-ulan na dala ng bagyo.

Nakahanda na rin ang rescue asset ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at nakaantabay na rin ang mga miembro ng Task Force Lingkod Cagayan o TFLC na magresponde sa mga posibleng epekto ng bagyo.

Kahapon ng hapon ay nagsimulang maranasan ang pagulan dito sa lalawigan ng Cagayan.