TUGUEGARAO CITY- Isolated ngayon ang ilang lugar sa bayan ng Claveria at Santa Praxedes Cagayan dahil sa landslides at pagbaha dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan kagabi.

Sinabi ni Rueli Rapsing, head ng Task Force Cagayan na hindi sila nakapasok sa Claveria kagabi para sa rescue operation sa mga binaha dahil sa bungad pa lang bayan ay binabaha na at may mga nakahambalang mga natumbang mga kahoy.

Ayon kay Rapsing, 14 na barangay ang sinasabing binabaha ngayon sa Claveria.

Idinagdag pa ni Rapsing na hindi rin mapasok ngayon ang Sta.Praxedes dahil sa mga landslide sa tatlong barangay.

Maging ang mga motorista na mula sa ibang bayan ay pinabalik muna dahil sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Rapsing na isasagawa ngayong araw ang clearing operation ng DPWH sa mga lanslide para makapasok na rin sila sa Claveria.

Samantala, may naitala din umanong pagbaha sa Calanasan, Apayao dahil pa rin sa malakas na pag-ulan kagabi.