Nasa 11 na pangunahing kalsada ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa epekto ng pag-uulan dulot ng bagyo at habagat.
Partikular sa Cordillera Administrative Region, Region-1, Region 3 at Region 4-A CALABARZON.
Ilan sa mga ito ay Kennon Road sa Tuba, Benguet, Judge Jose De Venecia Blvd. Extension sa Dagupan, Urdaneta Junction-Dagupan-Lingayen Road via Tarlac at Zambales.
Kabilang din ang Bigaa-Plaridel via Bulacan at Malolos Road, Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road, Candaba-San Miguel Road, Paniqui-Camiling-Wawa Road; Diokmo Hiway sa Calaca, Batangas at Talisay-Laurel-Agoncillo Road.
Ang mga saradong kalsada ay nananatiling binaha, nagkabitak-bitak, gumuho ang lupa at nagbagsakan ang mga puno kung saan patuloy ang pagsasa-ayos dito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
May 35 kalsada rin sa mga nabanggit na rehiyon kasama ang Region 4-B, Region-5 at Region 9 ang limitado sa mga motorista bunsod na rin ng epekto ng masamang lagay ng panahon.