
Nagpadala ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng isang team ng mga pulis sa Cambodia para hanapin si business tycoon Atong Ang.
Una rito, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng tumakas papuntang Cambodia o Thailand si Atong Ang para maiwasan ang pag-aresto sa kanya kaugnay sa kasong kidnapping kaugnay sa missing sabungeros, sa kabila ng pahayag ng Bureau of Immigration na wala silang record na lumabas ng bansa si Ang.
Ayon kay Remulla, tinitignan ang mga posibleng entry points at nakikipag-ugnayan sila sa kanilang counterparts sa Cambodia para makumpirma kung naroon si Ang.
Ipinunto ni Remulla na nagsagawa ng raid ang mga pulis sa nasa 18 lokasyon sa buong bansa sa nakalipas na dalawang linggo, subalit hindi nila nakita si Ang.
Iginiit ni Remulla na hindi nila inaalis ang posibilidad na nasa ibang bansa na si Ang.
Sinabi pa ni Remulla na bagamat wala siyang natanggap na intelligence report na nasa Camboadia si Ang, may dala umano si ang pugante na P10 billion na cash.
Kamakailan at sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) na nakatanggap ang kanilang hotlines para sa paghahanap kay Ang ng 40 tips mula sa potential informants na itinuturo ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.










