TUGUEGARAO CITY-May mga pasaway pa rin umanong mga residente dito sa lungsod ng Tuguegarao ang pasaway kaugnay sa pagpapatupad ng “no segration,no collection policy” ng mga basura matapos na simulang mahigpit itong ipatupad noong July 1,2019.

Sinabi ni Atty.Noel Mora, head ng City Environment and Natural Resources Office na maraming nakatambak na mga basura na hindi na-segregate sa nabubulok at hindi nabubulok sa ilang lugar dito sa Tuguegarao kaya hindi ito kinolekta ng dump truck.

Subalit,sinabi ni Mora na dahil sa ginawa ng tila dump site ang isang lugar sa Brngy.Tanza ay nagtawag sila ng mga barangay officials at sila ang nagsagawa ng segration ng mga basura bago ito hinakot ng mga basurero.

ang tinig ni Mora

Kaugnay nito,nagbabala si Mora sa mga hindi pa rin sumusunod sa nasabing patakaran na umiikot ngayon ang mga tauhan ng Environment Management Bureau na kumukuha ng mga larawan ng mga nakatambak na mga basura na hindi na-segregate dahil sa ipapadala ito sa Department of Interior and Local Government.

Sinabi ni Mora na ang DILG na ang bahalang magpataw ng kaukulang aksion sa mga barangay officials na hindi nakakatugon sa nasabing patakaran.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito,sinabi ni Mora na papatawan nila ng kaukulang multa ang sinumang residente na mahuhuli na hindi tumutupad sa nasabing hakbang.

muli si Mora

Idinagdag pa ni Mora na sa ngayon ay kinokolekta ang mga nabubulok na mga basura na nakahiwalay sa mga hindi nabubulok sa mga lugar na wala pang material recovery facility.

Muling umaapela Mora sa mga residente sa nasabing patakaran na ang layunin ay matiyak ang malinis na kalunsuran.