Nakatanggap umano ng feelers mula sa mga retirado at aktibong henereal na handa na tumestigo tungkol sa extrajudicial killings (EJKs) at iba pang drug-related crimes ang binuong “supercommittee” ng kamara na mag-iimbestiga sa mga issues na may koneksion kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chair ng House committee on dangerous drugs na kailangan muna nilang timbangin ang bigat at kredebilidad ng mga testimonya bago payagan ng komite na maupo sa unang pagdinig ng tinawag na “squad com” sa August 15.
Bukod kay Barbers, ang squad com ay binubuo nina Manila Rep. Bienvenido Abante, chair ng House committee on human rights; Laguna Rep. Dan Fernandez, chair ng committee on public order and safety; at Abang Lingkod Rep. Joseph Paduano, chair ng public accounts committee.
Gayonman, tumanggi si Barbers na kilalanin ang mga pulis na lumapit sa kamara.
Hindi niya binanggit si Maj. Gen. Romeo Caramat Jr., na nag-alok na isisiwalat niya ang kanyang mga nalalaman sa drug war kung itatalaga siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang PNP chief.
Si Caramat, dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group, ay itinalagang chief ng Area Police Command-Northern Luzon noong buwan ng Mayo ngayong taon.
Sinabi ni Barbers na hindi puwedeng maglatag ng demand ang potential informants kapalit ng kanilang pagsasalita.
Ayon kay Barbers na dapat na gawin ito para sa ating bansa dahil ang layunin ay mailabas ang katotohanan na karapatan na malaman ng publiko.
Tiniyak din ni Barbers na maaaring tumestigo ang mga posibleng witnesses sa open hearings o closed-door sessions kung ang mga impormasyon ay makakaapekto sa national security o malalagay sa panganib ang kanilang buhay.