Kinumpirma ni Public Works Secretary Vince Dizon na may nakuha silang ulat hinggil sa Department of Public Works and Highways (DPWH) officials na nangingikil at nanghihingi umano ng porsyento sa mga kontrata ng ahensya.

Ayon kay Dizon, ang report na ito ay mula sa Pampanga District 2.

Ang porsyento raw na hinihingi ng mga ito ay aabot ng hanggang 8%.

Sa anunsyo ng kalihim, sinabi niyang relieved at suspended ang tatlong tauhan na dawit sa isyu.

Magsasagawa rin daw sila ng full blown investigation upang malaman kung talaga bang nanghihingi ang mga ito ng prosyento sa mga proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong araw, ininspeksyon ni Dizon ang nag-collapse na dike sa Bgy. Candating sa Arayat, Pampanga.