TUGUEGARAO CITY- Nakikipag-ugnayan pa ang Police Regional Office No. 2 sa Criminal Investigation and Detection Group sa Baguio City para sa karagdagang background o impormasyon ukol sa isang grupo ng illegal recruiter na nambibiktima sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa isa pa sa limang miembro ng nasabing grupo na si Ryan Dexter Lagmay alyas Gibson Wanjit, 44 anyos, residente ng Claveria, Cagayan.

Una ng naaresto ang isa pang miembro ng grupo na mula naman sa La Union.

Sinabi ni pCOL Anndree Abella na isinagawa ng mga otoridad mula sa PRO2 , PNP Cagayan at Benguet ang operasyon laban kay Lagmay kasunod ng reklamo ng isang nurse ni-recruit siya ni Lagmay para maging nurse umano sa Barcelona, Spain.

-- ADVERTISEMENT --

Dumulog ang biktima sa mga otoridad nang makahalata siya na walang nangyayari sa kanyang aplikasyon para makapunta ng Barcelona sa kabila na nakapagbigay na siya ng mahigit sa P664, 000 kay Lagmay.

Dito na rin niya na nalaman na hidi acrredited sa POEA ang grupo ni Lagmay.

Sinabi ni Abella na noong November ng 2020 nagsimulang magbigay ang biktima ng sinisingil sa kanya ni Lagmay para umano sa pagproseso ng kanyang mga papeles.

Nabatid na kababayan din ng nurse si Lagmay.