TUGUEGARAO CITY-Nakatakdang ilabas ng Police Regional Office (PRO-2) anumang araw mula ngayon ang karagdagang sa kanilang imbestigasyon may kaugnayan sa pagkawala ni Police Master Sergeant Jovelyn Camangeg ng PNP-Lasam.
Ayon kay Police Brigadier General Crizaldo Nieves, director ng PNP-Region 2, nakipag-ugnayan ang kanilang mga investigation team sa telecommunication company para malaman kung sino ang huling nakausap sa telepono ni Camangeg.
Maging aniya sa mga CCTV na posibleng dinaanan ng nawawalng pulis ay maingat ding pinag-aralan ng task force camangeg para mabatid kung sino ang nakasama ng biktima bago napaulat na nawala.
Sinabi ni Nieves na sasampahan na rin ng kaso ang mga persons of interest habang patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
Bagamat hawak na ng National Bureau of Investigation ang kaso, hindi pa rin tumitigil ang PNP sa pagsasagawa ng imbestigasyon para mabatid kung may pagkukulang ba ang PNP-Lasam.
Matatandaan, Pebrero 18, 2021 nang magpaalam si Camangeg sa kanyang pamilya na pupunta dito sa lungsod ng Tuguegarao lulan ng kanyang sasakyan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi at wala pa rin nakakaalam sa kanyang kinaroroonan.